Halos isang milyong mga kaso ang hindi pa nareresolba ng mga korte sa buong bansa.
Nabunyag ito matapos na tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa judiciary budget kung saan si Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe ang dumidepensa sa budget ng ahensya sa plenaryo.
Paliwanag ni Sen. Poe, mahigit 14,000 ang hindi pa nareresolbang kaso sa Supreme Court; 26 naman sa Court of Appeals; higit 1,000 naman sa Court of Tax Appeals; at 362,000 naman sa mga Regional Trial Courts.
Gayundin sa nasa family courts, metropolitan at Municipal Trial Courts, Municipal Circuit Trial Courts at Sharia Circuit Courts.
Sa kasalukuyang ay pinag-aaralan na ng korte suprema ang digitalization ng kanilang mga court process at paggamit din ng artificial intelligence para mapabilis ang proseso ng paglilitis ng mga kaso.