Tiyak na mahihirapan lalo ang pamahalaan na matunton at mapatay ang mga bandidong Abu Sayaf na nagtatago pa rin sa lalawigan ng Bohol.
Ito’y ayon kay Amin Partylist Rep. Makmod Mending Jr ay kasunod ng alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na Isang Milyong Pisong reward para sa sinumang makapagtuturo o makapapatay sa mga bandido.
Giit ng mambabatas, tiyak maraming kakagat sa Isang Milyong Pisong alok na iyon ng Pangulo kaya’t lalong magtatago aniya ang mga bandido sa mga liblib at bulubunduking lugar sa lalawigan.
Sa halip aniyang ibigay bilang reward, iminungkahi ni Mending na dapat gamitin na lamang ng pamahalaan ang Isang Milyong Piso na alok ni Pangulong Duterte para palakasin ang intellegence gathering sa grupo.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc