Sinimulan nang ipagkaloob ng isang pilantropong negosyante ang P1 milyong pisong tulong para sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, tatlong pamilya na ang tumanggap ng nasabing cash assistance habang may lima pang nakatakdang tumanggap.
Pormal na ibinigay ng pilantropong negosyante kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa Kampo Aguinaldo ang pag-aabot ng nasabing tulong.
Batay sa pinakahuling datos, nasa 116 na sundalo at pulis ang nalalagas sa hanay ng pamahalaan mula nang sumiklab ang bakbakan mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas.
By: Jaymark Dagala / (Ulat ni Aileen Taliping)