Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng lokal na teroristang grupong Ansar Al-Khilafah Philippines sa Maasim, Sarangani Province.
Kinilala ang naarestong suspek na si Akbar Maguid Buyoc alyas Abu Saipen na sinasabing kanang kamay ng dating lider ng Ansar Al-Khilafah na si Jaafar Maguid alyas Kumander Tokboy.
Si Buyoc ang sinasabing tagabili ng mga sangkap at gamit sa paggawa ng mga ginagamit ng improvised explosive device o IED ng grupo.
Narekober naman sa suspek ang isang fragmentation grenade nang madakip ito.
Nahaharap ngayon si Buyoc sa kasong paglabag sa Article 134 ng revised penal code o rebelyon.
(Ulat ni Jonathan Andal)