Sumuko ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa harap na rin ng pinaigting na operasyon ng militar sa lalawigan ng Sulu.
Kinilala ni Major General Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command ang bandido na si Absara Mursalin Akbara alyas Talin Amsang.
Dakong alas 10:00 ng umaga kahapon nang sumuko si Akbara sa tropa ng 41st Infantry Battalion ng Army sa Sitio Palan sa Barangay Mampallam sa bayan ng Talipao.
Isinuko rin ng bandido ang kaniyang M-16 rifle at isinailalim ito sa medical check up gayundin sa documentation process bago i-turn over sa Sulu PNP.
By Jaymark Dagala