Nagbitiw sa pwesto ang isa sa mga appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay si Samira Gutoc-Tomawis, miyembro ng Marawi BTC o Bangsamoro Transition Commission.
Paliwanag ni Tomawis, nainsulto siya sa pinakahuling ‘rape joke’ ng Pangulo at dahil sa patuloy na aerial bombardment sa kanyang hometown sa Marawi City kaya siya nagbitiw sa tungkulin.
Gayunman, sinabi ni Tomawis na hindi pa siya nagbibigay ng resignation letter sa BTC, pero inabisuhan na niya ang MILF at Office of the Presidential Assistant on the Peace Process hinggil sa kanyang desisyon.
By Meann Tanbio