Isa na namang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Cataingan, Masbate.
Kinilala ni Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office in Bicol (PRO-5), ang surrenderer na si “Ka Ruben”, 41 taong gulang, at residente ng Cataingan.
Sinasabing bahagi si “Ka Ruben” ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng CPP-NPA.
Tiniyak naman ni Calubaquib na makakatanggap ito ng mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.