Patay ang isang miyembro ng Maute Terror Group matapos maka-engkwentro ng militar sa main battle area sa Marawi City kaninang 6:00 ng umaga.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Joint Task Force Ranao Deputy Commander Colonel Romeo Brawner Jr., tatakas sana ang napatay na Maute group member nang makita ito ng militar habang nagsasagawa ng clearing operations.
Dagdag pa ni Brawner, may nakita din silang dalawang indibidwal na nagtangka namang pumasok sa main battle area sa Marawi City noong isang araw kung saan isa dito ang napatay ng militar.
Posibleng tinangkang iligtas aniya ng mga ito ang iba pang mga natitirang terorista sa loob ng Marawi.
Hindi naman matukoy ni Brawner ang eksaktong bilang ng mga nalalabi pang miymembro ng Maute Terror Group sa loob ng lungsod.
Gayunman, tiniyak nito na hindi na maituturing na banta sa seguridad ang mga ito.