Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang mga militar sa Alegria, Surigao Del Norte.
Kinilala ng mga militar, si Ricky Vocales Rosaldo alyas “kenz”. Miyembro ng isang platoon sa ilalim ng North-Eastern Mindanao Regional Committee’s Guerrilla Front 16.
Narekober ng tropa ng mga militar ang isang improvised explosive na may detonating device, blasting cap, magazine para sa m16 rifles, at bandolier. —sa panulat ni Kim Gomez