Arestado ang isang miyembro ng Special Weapons and Tactics Team o SWAT ng Lucena City Police Station matapos paputukan ang mga kapwa pulis na umaresto sa kanyang live-in partner na hinihinalang drug pusher sa Pagbilao, Quezon.
Kinilala ni Chief Insp. Rizalde Merene, hepe ng Pagbilao Municipal Police ang SWAT member na si PO1 Hezri Jarder at live-in partner nitong si Marvy Lee Miralles na nadakip sa Barangay Santa Catalina, kahapon.
Dinampot ng mga miyembro ng pulisya si Miralles at isinakay sa isang civilian vehicle subalit bilang sumulpot si Jarder at pinaputukan ang mga kabaro subalit si Miralles ang nadaplisan.
Narekober naman kay Miralles ang tatlong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.