Patay ang isang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity sa Makati matapos pagbabarilin ito ng isang di pa nakikilalang lalaki.
Kinilala ang biktima na si Kenneth C. de Dios, 33-anyos ng barangay San Andres Makati City.
Ayon sa panganay na kapatid ng biktima na si Jenalyn Censon nagpaalam lang aniya si Kenneth sa kanilang nanay na maghahatid lang ito ng baterya ng motorsiklo sa kausap nito sa telepono nang mangyari ang pamamaril dito.
Kasama din umano ng biktima na umalis ang isang kapwa nito miyembro nasabing fraternity group.
Hindi naman natutukoy sa ngayon ang kinaroroonan ng nasabing kasama ni Kenneth.
Patuloy din ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring pamamaril.
—-