Arestado ang isang babaeng dating miyembro umano ng Parojinog Crime Syndicate sa Ozamiz City.
Kinilala ang suspek na si Marife Daroy alyas “Baliling”, 34 anyos.
Naaresto si Daroy sa sanib pwersang operasyon ng PNP-CIDG at ng PDEA matapos maglabas ng arrest warrant ang Ozamiz City Regional Trial Court Branch 35 laban sa kaniya.
Bukod sa pagiging dating miyembro umano ng nabanggit na sindikato ni Daroy, nabatid na ikalawa rin ang suspek sa most wanted list ng Misamis Occidental.
Pinsang buo ang suspek ng napatay na si Mayor Reynaldod “Aldong” Parojinog.