Isang most wanted man sa Pilipinas ang di umano’y napiling mamuno sa binubuong Southeast Asian Islamic State o katumbas ng ISIS sa Mindanao.
Ayon sa security experts, lumalabas na ang mga supporters ng ISIS sa Southeast Asia ay hindi na pinapupunta ngayon sa Middle East para tumulong sa labanan kundi bumubuo na sila ng sari-sariling unit sa sarili nilang bansa at doon magsagawa ng mga pag-atake.
Sa isang video na inilabas ng Reuters, isang lalake na kinilala ng Malaysian authorities na si Mohd Rafi Udin ang nagsabi na kung hindi kayang pumunta ng kanilang supporters sa Syria, makabubuting magkaisa ang mga ito at magtungo na lamang sa Pilipinas.
Si Udin ay napag-alamang isang Malaysian national na ngayon ay nasa grupo ng ISIS sa Syria.
By Len Aguirre