Patay ang isang motorcycle rider matapos mahulog mula sa Aurora Boulevard flyover, sa Cubao, Quezon city, kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Tobias, na napag-alamang mabilis ang takbo mula EDSA patungong Sta. Mesa sa Maynila.
Inararo rin ng motorsiklo ang mga railing sa flyover dahilan upang tumilapon si Tobias sa 20 talampakan sa EDSA.
Basag ang bungo ng biktima at hindi na umabot ng buhay sa ospital.
By: Drew Nacino