Dead on the spot ang motorcycle rider na si Enaro Bernardino, 31-anyos matapos masagasaan ng 14-wheeler truck na may kargang semento sa kahabaan ng Balintawak, sa lunsod ng Quezon.
Dahil sa pangyayari, desidido ang live-in partner ng biktima na si Jovielyn Mesacampo na sampahan ng kaso ang driver ng trak na si Reynan Ocampo na dumepensang aksidente lamang ang nangyari.
Naulila ni Bernardino ang apat nitong anak na lalaki.
Inihayag naman ng pulisya na wala pang lumulutang na saksi sa insidente at wala rin umanong CCTV sa lugar hinggil sa nangyaring vehicular accident na ikinasawi ng isang rider.
Ayon naman kay QCPD Traffic Sector Police Staff Sergeant Romeo Birog Jr., base sa kanyang nakita, walang tama ang motorsiklo, kaya’t maari aniyang na out-of-balance si Bernardino at aksidenteng napahiga sa ilalim ng trak.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide laban sa drayber ng 14 wheeler truck.