Arestado ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Zamboanga City.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Barri Happil na may standing warrant of arrest dahil sa kasong illegal possession of explosive.
Nadakip si Happil sa ikinasang manhunt operation ng PNP at AFP sa Sitio Palo-Palo Barangay Muti Zamboanga City.
Batay sa impormasyon, isa si Happil sa mga tauhan ng Abu Sayyaf Group Leader na si Marzan Ajijul.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng CIDG Region 9 ang suspek.