Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Milisyang Bayan (MB) ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bantug, Gabaldon, Nueva Ecija.
Ayon kay Lt. Col. Reandrew P. Rubio, commanding officer ng 91st Infantry Battalion ng Philippine Army, ang pagsurender ni Virgilio Perez “alyas Bert” ay bunga ng walang humpay na pakikipag-dialogue ng mga kinatawan ng pamahalaan.
Kasamang isinuko ni Perez ang kanyang M16 rifle na may dalawang magasin at mga bala.
Ayon kay Perez, lumantad siya at nagbalik-loob sa gobyerno dahil hindi niya nagugustuhan ang ipinaglalaban at pamamalakad ng kilusan.
Maliban dito, hinimok din ni Perez ang iba pang mga kasapi ng NPA na sumukod na rin lalo pa’t wala naman aniyang magandang naidudulot ang armadong pakikibaka.