Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos manlaban sa mga otoridad sa Surigao City.
Kinilala ang suspek na si Cecel Nuñez, 59 anyos residente ng barangay Trinidad at assistant team leader umano ng squad 1 sa Sandatahang Yunit Pampropaganda.
Ayon kay Police Regional Office 13 Regional Director, Brigadier General Romeo Caramat Jr. maghahain lang sa kaniya ang mga pulis ng warrant of arrest ngunit nagpaputok umano ito.
Dahil dito gumanti ng putok ang mga pulis at dito napatay si Nuñez.
Ang warrant of arrest na ihahain sana kay Nuñez ay kaugnay sa pagpatay sa isang Elmer Madrona at Bertoldo Rangas noong April 2019 sa barangay Tagbayani, Sison sa Surigao Del Norte.