Isa na namang kaso ng animal cruelty ang naitala sa Davao del Norte kung saan inihagis ng isang miyembro ng LGBT ang isang pusa.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang nag-viral na video sa social media, makikita na pinaglalaruan ng nasabing gay ang isang pusa at hinawakan na para bang isa itong baril.
Hindi pa riyan nagtatapos ang kalupitan na ginawa ng miyembro ng LGBT sa pusa dahil inihagis pa ito sa semento matapos paglaruan.
Hindi naman nakaligtas sa animal advocates ang pang-aabuso na naranasan ng pusa sa taong nasa likod ng video at agad na ipinanawagan ng Bantay-Hayop Davao na ipaalam sa kanila kung saan maaaring matagpuan ang nasabing cat abuser.
Samantala, humingi ng tawad ang abuser sa pamamagitan ng pagpopost ng isang video sa social media at doon inamin na sila ay nakainom ng alak kung kaya nila ito nagawa at inakala pa na ang ginawa nilang panti-trip sa pusa ay nakakatuwa.
Gayunpaman, nailigtas na ang pusa at base sa resulta ng exam na isinagawa ng doktor ay wala itong tinamong sugat o injury.
Tinitingnan naman ng animal welfare agency kung ano ang susunod na hakbang at legal na parusa na maaaring ipataw sa nanakit sa pusa.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang makasaksi sa ganitong klase ng insidente?