Patuloy na binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang namuong bagyo sa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Batay sa tala ng PAGASA, namataan ang nasabing bagyo sa layong 1,355 kilometro silangang bahagi ng Mindanao.
May taglay itong lakas na 45 kilometro kada oras at may bugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Inaasahang papasok ito ng PAR mamayang hapon o gabi at tatawagin itong bagyong “Basyang”.
Posted by: Robert Eugenio