Arestado ang negosyanteng si Antonio Luis Marquez alyas Ador Mawanay sa kasong estafa.
Ito ay sa pinagsanib na pwersa ng anti organized crime unit at Rizal Provincial Field Unit ng PNP-CIDG.
Ayon kay CIDG Deputy Director for Administration CIDG Deputy Dir. For Administration BGen Rhoderick Armamento nasa kustodiya na ngayon si Mawanay ng CIDG anti organized crime unit.
Matatandaang taong 2001 nang lumitaw si Mawanay na nagpakilalang computer expert at inakusahan ang ilang senador na sangkot umano sa illegal drug trade, kidnapping at kurapsyon.
Isa sa kaniyang inakusahan noon ay sina Sen. Panfilo Lacson kung saan sinabi ni Mawanay na mayroon umanong foreign bank account ang senador na katas ng iligal nitong gawain noon siya ay hepe ng PNP.
Ngunit kalaunan ay humingi rin ito ng tawad at sinabing walang katotohanan ang kaniyang mga sinabi.