Patay ang isang negosyante na sangkot sa drug trade matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Batangas.
Kinilala ang biktima na si Rodel Alegria, may-ari ng tindahan.
Ayon sa mga otoridad, abala sa loob ng kanyang tindahan si Alegria nang dumating ang dalawang lalaki na nagpanggap na mga customer at pinaputukan ang biktima na kinasawi sa insidente.
Nang makita ng mga ito ang nakabulagtang katawan ng biktima mabilis na naglakad ang dalawang suspek patakas.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen lalo na ang lumalabas na impormasyon na ang biktima ay nasa tokhang list at patuloy ang ginagawang iligal na aktibidad sa droga.
Samantala, patuloy ding pinaghahanap ng mga operatiba ang dalawang lalaking suspek. —sa panulat ni Kim Gomez