Binawian ng buhay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa loob ng kaniyang sasakyan sa Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Hernandez, residente ng Mandaue City.
Batay sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng SUV si Hernandez kasama ang kaniyang asawa at kasambahay nang tapatan sila ng hindi pa nakikilalang riding in tandem at pagbabarilin ang biktima sa Barangay Lipata, Minglanilla.
Samantala, personal na galit at away sa negosyo ang mga hinihinalang motibo ng mga otoridad sa posibleng ugat ng krimen.—sa panulat ni Airiam Sancho