Patay ang isang negosyante sa pananambang sa Marcos, Highway, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Samuel Mora, 58 anyos.
Ayon sa mga otoridad, pauwi na sana sa kanilang tahanan si Mora mula sa paghahatid ng anak sa paaralan nang tambangan ng riding in tandem.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Mora na siya nitong ikinasawi.
May mga persons of interest na nasa kustodiya ng mga otoridad ngunit hindi pa tiyak kung sila nga ang mga suspek.
Nabatid na una nang nasawi rin sa pananambang sa Bulacan ang anak ng biktima na si Dave Mora noong November 21.