Isang night heron ang nakitang patay at nakasabit sa tali ng saranggola sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.
Sa larawang ibinahagi sa Facebook page ng The UP Wild, nakita ang bahagi ng pakpak ng ibon na nabuhol sa tali ng saranggola.
Nakita ang patay na ibon malapit sa lagoon area ng UP Diliman.
Dahil sa insidente pinaalalahanan ng UP wild ang publiko na maging responsable sa mga aksyon upang hindi na maulit ang mga insidenteng nakakapinsala sa wildlife at kalikasan.