Patay sa engkuwentro ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Maguing, Lanao Del Sur.
Una nang nagtungo sa bundok ang mga Tropa ng 5th Infantry Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Romulos Rabara para sa misyong i-exhume ang labi ng isang napatay na npa members nuong 2018.
Subalit habang patungo sa lugar ay kaagad pinaputukan ng isang grupo ng mga kalalakihan ang grupo kayat kanila namang binalikan ng putok ang mg ito.
Isang labi ng NPA member ang tumambad sa tropa ng mga sundalo matapos ang pakikipag bakbakan sa mga rebelde na mabilis na tumakbo.
Narekober ng mga otoridad sa lugar ang apat na high powered firearms tulad ng M16 rifles, M79 grenade launchers, isang low powered firearm, isang hand grenade, isang bandoleer , SA10 magazine na may bala, 22 rounds ng ammunition para sa M203 at limang combat packs na may lamang mga personal na kagamitan.