Isang miyembro ng New People’s Army ang patay matapos makasagupa ng mga tropa ng gobyerno sa bayan ng Gigaquit, Surigao Del Norte.
Naganap ang bakbakan sa Sitio Puyawon, Barangay Mahanub sa pagitan ng 30th infantry “python” battalion ng 4th infantry division at NPA.
Napag-alaman ng Philippine Army na miyembro ng tribong mamanwa ang napatay na rebelde.
Kabilang naman sa narekober naman mula sa npa member ang isang m16 rifle, tatlong magazines, blasting cap at wire.