Isa na namang umano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na wanted sa mga kasong murder at frustrated murder ang naaresto ng mga awtoridad sa Toboso, Negros Occidental.
Kinumpirma ng Philippine Army’s 3rd Infantry Division, ang pagkakaaresto kay Alberto “Berting” Pandacan, 70 taong gulang, at sinasabing kasapi ng Northern Negros Front Komiteng Rehiyon-Negros ng NPA.
Si Pandacan ay nahuli ng mga pulis at sundalo sa kanilang bahay sa Sitio Seraje, Barangay San Isidro sa bisa ng warrants of arrest na inilabas ni Presiding Judge Danilo Amisola ng Regional Trial Court Branch 58 sa San Carlos City.
Tinambangan umano ng grupo ni Pandacan ang mga sibilyan habang lulan ang mga ito ng isang utility truck sa Toboso noong Hulyo 13, 2009.