Dismayado ang isang obispo sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa planong irehabilitate ang naisantabing nuclear power plant sa Morong.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, naninindigan ang simbahang katolika sa kanilang posisyon laban sa muling pagbuhay sa nasabing nuclear power plant dahil sa panganib na dulot nito.
Sinabi ni Bishop Santos na umaasa siyang isasaalang-alang ng pamahalaan ang buhay at kinabukasan ng mga tao at kapaligiran.
Una nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na pinayagan na ng Pangulo ang Isang Bilyong Pisong rehabilitasyon ng nuclear power plant, taliwas sa dati nitong pagkontra sa enerhiyang nukleyar.
By: Avee Devierte