Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) pagdating nito sa Hong Kong gayung negatibo ang COVID-19 test nito bago umalis ng Pilipinas.
Sa katunayan, nakakuha pa ang nasabing pinay OFW ng certification mula sa isang ospital sa Pilipinas na negatibo siya sa COVID-19 subalit nagpositibo ito sa isinagawang swab test nang dumating sa Hong Kong noong ika-13 ng Marso.
Mula sa airport, kaagad idiniretso ang Pinay sa ospital sakay ng ambulansya kasunod na ang lagnat nito at pagsusuka.
Matapos ang ilang araw, ang Pinay ay dinala ng kanilang employer sa isang hotel kung saan nakatapos na siya ng quarantine at sinasabing binayaran mg kanyang employer ang pananatili niya rito.
Hindi naman batid kung saan nahawa ang Pinay.