Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) nang dumating ito sa Palawan.
Ayon sa Incident Commander ng Task Force COVID-19 ng naturang probinsya na si Dr. Dean Palanca, isinailalim aniya ang OFW sa rapid test nang dumating ito sa paliparan nitong Linggo, Mayo 13, at lumabas ngang positibo ito sa virus.
Matapos nito, kinuhanan na rin ang naturang OFW ng swab test, at kahapon, 3 ng Hunyo, lumabas ang resulta ng test na nagsasaad na positibo ang ofw sa COVID-19.
Kabilang ang naturang COVID-19 positive sa higit 20 OFW’s na dumating sa Puerto Prinsesa, makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapauwi sa mga stranded OFW’s sa kani-kanilang mga probinsya.
Samantala, bago pa magpositibo ang naturang OFW sa COVID-19, sumailalim na to sa dalawang beses na swab test noong Mayo 2 at 13 pero parehong negatibo ang resulta nito, kaya’t naisyuhan siya ng travel authority.