Isinugod sa ospital ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) matapos makalanghap ng tear gas sa gitna ng protesta sa Hong Kong.
Ayon sa konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, nasa day off ang OFW na napadaan sa lugar kaya ito nakalanghap ng tear gas.
Itinanggi nito ang mga report na sumama umano ang OFW sa mga nagaganap na protesta.
Samantala, nasa ika-apat na buwan na ang protesta sa Hong Kong na nag ugat sa extradition bill sa naturang bansa.