Nanawagan ang isang Overseas Filipino Workers sa pamahalaan na magkaroon ng ibang quarantine protocols sa gitna ng emergency at humanitarian cases.
Ayon sa ulat, ginawa ni Randy Casimiro ang panawagan dahil nais na niyang makita ang ina niyang may karamdaman.
Kwento ni Casimiro, natatakot na ang kanyang inang may sakit na baka hindi na sila magkita dahil sa karamdaman nito.
Uuwi na sana si Randy nitong Mayo pero nakansela ang kanyang flight ng higit sa limang beses dahil sa travel restriction dala ng COVID-19 pandemic.
Kanya na ring dinulog ang kanyang kaso sa IATF pero sinabi lang sa kanya na kailangan na sumunod sa quarantine para maiwasan na ang pagkalat ng virus.
Nangako naman si Health Secretary Francisco Duque III na tutulungan niya si Casimiro sa kaso nito.—sa panulat ni Rex Espiritu