Pinagmumulta ng bansang Taiwan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) ng nagkakahalaga ng $3,540 o katumbas ng P168,000 dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang OFW ay sumasailalim sa mandatory 14-day quarantine.
Ngunit lumabas umano ito ng walong segundo mula sa kaniyang quarantine room at hindi ito nakaligtas sa surveillance camera ng hotel.
Nagawa umanong lumabas ng naturang OFW para ilagay ang ilang gamit sa harap ng pintuan ng kwarto ng kaniyang kaibigan na naka-quarantine rin sa kaparehong hotel.