Hinihinalang namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh sa Saudi Arabia.
Kinilala ang nasawing OFW bilang si Marcelo Tanyag III, na isang waiter doon.
Ayon sa anak ng OFW, hinala aniya ng kanilang pamilya na baka COVID-19 ang kinamatay ng kanilang padre de pamilya, pero hindi ito isinugod ng kanyang employer sa pagamutan.
Dagdag pa nito, umabot na sa siyam na raw na nakakaramdam ang kanyang ama ng sintomas ng nakamamatay na virus.
Nauna rito, ayon sa mga kasamahan ni Tanyag, maka-ilang beses na nilang kinumbinsi ang employer nito na ipagamot ang OFW sa ospital. Pero anila, hindi naman ito nangyari, hanggang sa nasawi na nga si Tanyag, kahapon, Hunyo 3.
Samantala, umaasa naman ang pamilya ni Tanyag na agad na ma-i-uuwi ang labi nito.