Itinanggi ni Senior Insp. Maribel Bansil ng Bureau of Corrections o BuCor na dawit siya sa umano’y Good Conduct Time Allowance ‘(GCTA) for sale’.
Ito’y matapos mabanggit si Bansil ng witness na si Yolanda Camelon sa senate inquiry hinggil sa mga anomaly umano sa GCTA Law.
Nanindigan ang BuCor official na hindi siya tumanggap ng 50,000 pesos mula kay Camelon kapalit ng kalayaan ng asawa nito.
Gayunman, aminado si Bansil na nakatalaga siya sa external affairs section ng BuCor na humahawak sa mga dokumentong may kaugnayan sa GCTA.
Nilinaw naman ng BuCor official na nakilala niya si Camelon matapos itong magpasama sa bahay ni Staff Sgt. Ramoncito Roque na siyang namumuno sa documents division ng BuCor para pag usapan ang tungkol sa nasabing batas.