May nakitang butas ang isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Mark Perete, lumalabas na aabot sa 10,000 mga nasintensyahan dahil sa karumal-dumal na krimen ang mapapalaya sa bilangguan dahil sa naturang batas.
Bagama’t tumanggi si Perete na tukuyin ang mismong probisyon ng IRR ng GCTA kung saan nakita ang butas, malinaw sa sinasaad ng naging desisyon ng Supreme Court na paiiralin ang retroactive sa pagpapatupad nito mula nang maisabatas noong 2013.
Batay sa computation ng time allowance credits, may kabuuang 1,914 na mga sentensyado dahil sa karumal-dumal na krimen ang nakalaya.
Ito ani Perete ang siyang nagtulak naman sa Justice Department para repasuhin ang kaso ng mga nakalayang convicted criminal.