Arestado ng Philippine Army ang isang opisyal ng New People’s Army sa Sibagay Agusan del Sur.
Kinilala ni Lt. Col. Rhoderick Parallag, Commanding Officer ng 3rd Special Forces Battalion ang naturang opisyal ng NPA na si Pablito Campos na isang Front Secretary at Political Officer ng Guerrilla Front 21A.
Isa rin umanong tagapagsalita ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng NPA si Campos.
Dagdag pa ni Parallag, utak din sa paninigil ng revolutionary tax sa mga negosyante at kompaniya sa CARAGA Region ang naturang rebelde.
May walo aniyang warrant of arrest kay Campos para sa mga kasong rebelyon, murder, frustrated murderm multiple attempted murder, kidnapping at serious illegal detention mula sa iba’t ibang korte sa rehiyon.
Narekober naman sa rebelde ang isang M4 rifle, tatlong cellphones, isang granada at mga personal na gamit.
Posted by: Robert Eugenio