Nakatanggap ang Justice Jose Abad Santos General Hospital ng walong karagdagang mega-tents mula sa iba’t ibang organisasyon at opisyal para sa mga pasyente ng COVID-19.
Pinangunahan nina Manila City Vice Mayor Honey Lacuna, Congressman Yul Servo Nieto, at director ng ospital na si Merle Sacdalan-Faustino ang turn-over ceremony ng naturang mga tents.
Bilang pasasalamat sa mga nagpaabot ng mga kagamitan, binigyan ng ospital ng mga plake ang kanilang mga sponsor bilang pagkilala sa pagbibigay suporta sa kanilang ospital.
Samantala, nasa mahigit 30 pasyente naman na nagpositibo sa COVID-19 ang kayang i-accommodate ng naturang mga tent sa ospital. —sa panulat ni Kim Gomez