Nilooban ang isang paaralan sa isla ng Boracay nitong Biyernes.
Tinatayang nasa kalahating miyong piso ng kagamitan ang nilimas ng mga kawatan sa nasabing paaralan.
Ayon sa imbestigasyon ng Malay Police, dalawa ang salarin na pumasok sa lugar at nagnakaw.
Anila, tinawag sila ng utility worker ng paaralan matapos malaman nito na nawawala ang kanyang mountain bike.
Kaagad na nagsagawa ng inspeksyon ang otoridad at doon na nakita na pinasok din ng mga magnanakaw ang Information and Communication Technology (ICT) room ng Manocmanoc Elementary School.
Natangay ang limang sets ng desktop computers, dalawang laptop at isang projector na may kabuuang halagang P473,634.
Sa ikinasang follow-up operation, naaresto naman ang isang 18 anyos na lalaki matapos ituro ng isang concerned citizens na syang nakita na may tangay ng nawawalang kagamitan.
Tinutugis naman na ang isa pang kasama ng suspek.