Sa kabila ng anunsiyo ni Mayor Rodrigo Duterte na hindi na siya sa pagka-pangulo sa 2016 elections, isang pagkilos ang inorganisa ng kanyang mga taga-suporta.
Tinawag na “Million march run, Duterte run,” inilunsad ngayon sa facebook ng “Rodrigo Duterte thumbs up fever” ang kampanya na layuning maipaabot sa alkalde na irekonsidera nito ang desisyon na huwag nang sumali sa eleksiyon.
Hinimok din ng organizer ang mga dadalo sa million march na magsuot ng asul at pula na damit at asul na arm band.
Ang naturang martsa ay ilulunsad sa Setyembre 15, 1:00 ng hapon, sa Luneta, Maynila.
By: Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)