Timbog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang 38 anyos na Pakistani national sa ginawang entrapment operation sa Paranaque City.
Kinikala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac ang suspek na si Muhammad Norman.
Ayon sa PDEA, nahuli si Muhammad matapos magbenta sa isang nagpanggap na parokyano ng 2,000 piraso ng Mogadon o mas kilala bilang Nitrazepam na isang uri ng droga.
Si Muhammad ay nakakulong na sa Camp Olivas sa San Fernando City, Pampanga at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
By: Judith Larino