Naglabas ng Temporary Protection Order ang Korte Suprema para sa isang pamilya na biktima ng Oplan Tokhang.
Sakop ng protective writ ang pamilya ni Joselito Gonzales na namatay matapos pagbabarilin sa Antipolo City nuong July 2016.
Kabilang sa mga respondent sa protective writ sina DILG Secretary Ismael Sueno, PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, Chief Supt Valfrie Tabian, Senior Supt Adriano Enong
Bukod pa ito kina Supt Simnar Semacio Gran, isang inspector Dogwe, Allen Cadag, Mark Riel Canilon at ilan pang john does mula sa Antipolo City Police Station-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force at Provincial Special Operating Unit Team.
Pinagbabawalan ng high tribunal ang mga respondent na makalapit hanggang isang kilometro sa tirahan at trabaho ng petitioner
Ibabalik ng Korte Suprema ang kaso sa court of appeals para makapagsagawa ng pagdinig at may sampung araw para maglabas ng ruling.
By : Judith Larino / Bert Mozo