Nadakip ng Provincial Intelligence Unit ng Nueva Ecija Police at ng Talavera Municipal Police ang limang miyembro ng isang pamilya sa mismo nitong tahanan sa Barangay Calipahan matapos matimbrehang gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa pulisya, lahat ng naaresto ay kasama sa Nueva Ecija Police Provincial Office Unified Drugs Watch List na pinangalanang sina Louie at Emma, mag-asawa at mga anak nito na sina ‘Embo’, 32, Malou, 30, at ‘Renz’, 21.
Kaugnay nito, haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.—sa panulat ni Agustina Nolasco