Mahigpit na binabantayan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang panibagong LPA o Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang nasabing LPA ay namataan sa mahigit 400 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Sinabi ng PAGASA na maliit pa ang tiyansang maging bagyo ang naturang LPA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Samantala, isang ITCZ o Intertropical Convergence Zone ang nakaka-apekto sa Southern Luzon at Visayas ngayon.