Patay ang isang parish priest ng San Agustin Church sa Intramuros, Maynila matapos tamaan ng COVID-19.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Fr. Arnold Sta. Maria Cañoza ay iginupo ng nasabing sakit sa edad na 45.
Dahil dito, agad na isinailalim sa lockdown ang San Agustin Church.
Samantala, naka-lockdown din ang Caritas Manila sa Pandacan mula Marso 20 hanggang Marso 28 upang bigyang daan ang malawakang disinfection.