Isang pasahero ang hinihinalang inatake sa puso sa paliparan.
Ayon sa report, bigla na lamang umanong bumagsak ang 70-anyos na si Eligio Garcia Medina sa mismong baggage carousel area number 5 sa NAIA Terminal 2, matapos itong dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines galing Guam.
Agad namang rumesponde ang mga kawani ng Manila International Airport Authority Medical Unit.
Isinugod na sa San Juan de Dios Hospital ang nasabing pasahero na Tubong Guagua, Pampanga.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)