Kalaboso ang isang pekeng traffic enforcer dahil sa umano’y pangongotong sa isang truck driver na pumapasada sa La Loma, Quezon City.
Sinasabing naka-uniporme pa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA nang maaresto ang suspek na si Christopher Delos Santos.
Kuwento ng mag-amang truck driver at pahinante, pinara sila ni Delos Santos at hiningan ng 300 piso pero may dumaang pulis kaya isinumbong nila ito.
Ngunit nang komprontahin ng pulis si Delos Santos, binanggit nitong awol na siya sa MMDA.
Sasampahan ang suspek ng mga kasong Robbery-Extortion at Usurpation of authority.