Pinangalanang Sakura ang isang Philippine Eagle bilang pagkilala kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe na bumisita sa bansa.
Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang eagle naming ceremony at pag adopt sa nasabing eagle sa Water Insular Hotel sa Davao City kung saan nanatili si Prime Minister Abe at may bahay nitong si Akie sa ikalawang araw ng kanilang pagbisita sa Pilipinas.
Personal ding ibinigay ng Pangulo kay Prime Minister Abe ang naka frame na litrato ni Sakura.
Si Sakura na isang babaeng Philippine Eagle ayon sa Philippine Eagle Foundation ay nasagip mula sa Talaingod, Davao del Norte.
By: Judith Larino