Ipagpapatuloy ng isang pharmaceutical company sa Japan ang ginagawa nitong clinical trial para sa Avigan na posibleng makagamot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bagamat ito ang plano ng kumpanya, ayon sa ilang mga researchers nito, hindi pa nila matukoy kung gaano nga ba ka-epektibo ang gamot pangontra sa COVID-19.
Plano namang matapos ng kumpanya ang pagsasaliksik sa darating na buwan ng Agosto.
Nauna rito, tinangka ng kumpanya na isagawa ang clinical trial sa higit 90 mga pasyente sa Japan, pero naging mabagal ang resulta nito dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo sa virus.
Samantala, batay sa isinagawang eksperimento sa mga hayop, lumabas na may posibleng side effect ang gamot, habang wala namang naitalang side effects sa 3,000 katao na binigyan din ng kaparehong gamot.